Sabado, Oktubre 27, 2012


Jan 30, '07 3:59 AM
for everyone
ni Simon A. Mercado
1 Kumislap ang isip ng pantas na malay
2 At ang sandaigdig ay naliwanagan
3 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman
4 Ang nangagpunyaging paham na isipan;
5 At tayo’y nagising sa bagong kandungan
6 Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!

7 Natuklas ng dunong na kahanga-hanga
8 Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
9 Tila niloob ng Poong Bathala
10 Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
11 Nakapabingit na sa pagkariwari
12 Ang ating daigdig na lutang sa luha!

13 Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
14 Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
15 Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
16 Nalakbay ang langit sa bakal na ibon,
17 Nasisid ang mga dagat na maalon
18 Ng taong palakang nagwagi sa layon!

19 Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
20 Narating ang buwan ng bakal na limbas;
21 Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
22 Ang dalawang bunying astronaut na tanyag;
23 Subalit hindi pa lubos na matiyak
24 Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.

25 Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog
26 Kapag may malaking bombang sinusubok,
27 Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
28 At saka malihis sa kanyang pag-ikot
29 Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
30 Dahil sa paghinto ng kanyang inog!

31 Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
32 Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
33 Sa dalawa kayang malakas ay alin
34 Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
35 Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
36 Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!

37 May panganib pa rin sa bawat pagsubok
38 Ng bombang may lasong buga sa fall out;
39 Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
40 Higit na mabangis sa alinmang salot;
41 Pag ito’y kumalat sa katakut-takot,
42 Walang mabubuhay sa buong sinukob!

43 Sa ngayon, ang hanging ating nalilingahap
44 Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
45 Kapag ito’y hindi nalunasan agad
46 Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
47 Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
48 Saka nalalapit na lalo sa wakas!

49 Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
50 Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
51 Sa dalawang pook na pinaghulugan
52 Ay napakaraming nakitlan ng buhay;
53 Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw
54 Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!

55 “Pag bombang awtom ang siyang ginamit
56 Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
57 Dahilan sa lakas na napakalabis
58 Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
59 Huwag nawa sanang loobin ng Langit
60 Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
61 Ang pag-uuganahan ng dalawang lakas
62 Na sa kalawakan ay magharing ganap,
63 Ay nagbabalang di na magluluwat
64 At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
65 Maanong loobin ng Nasa Itaas
66 Na huwag na sanang dumating ang wakas!

67 Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto
68 Cambodia’t Vietnam, nag-iipu0ipo;
69 Ang hihip ng hangin kapag di nabago
70 Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
71 Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
72 At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!

73 Nais na lagumin ng Maso at Karit
74 Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
75 Ang Agila naman sa pagpupumilit
76 Na siyang mauna’y hindi matahimik;
77 Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
78 Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?

79 Wala pang sanggol sa kasalukuyan
80 Sa pambobombang higit ang labis sa ingay,
81 Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
82 Di makakahanda nais mang lumaban;
83 Dahil dito kaya dapat pagsikapan
84 Na mapagkasundo ang sangkatauhan!

85 Hindi nga masamang ang tao’y
86 Lalo kung may mithiing dakila at tapat,
87 Pagkat likas lamang sa taong maghangad
88 Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
89 Ngunit ang masama’y ang magpakapantas
90 Upang ang mabuting binuo’y iwasak!

91 Di dapat gumamit ng mga sandatang
92 Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
93 Idalangin nating magkaisa sana
94 Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
95 Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
96 Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!

97 Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
98 Gayon din ang hangin na dating malinis,
99 Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
100 Ay matatapos nang parang panaginip;
101 Saka lamang naman magiging tahimik
102 Kung dito’y wala nang mga manlulupig!

103 Dahil dito kaya kinakailangan
104 Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
105 Pagsikapan nating tuparing lubusan
106 Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
107 Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
108 Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!

109 Agawin sa kamay ng imbot at inggit
110 Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
111 Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
112 Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
113 Ang Diyos ay gising, di ipinagkait
114 Ang Kanyang saklolo sa api at amis!

115 Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
116 Ang siyang nagtatanggol sa aping kat’wiran,
117 Hindi maglalao’t ang sangkatauhan;
118 Ay makakandong na ng kalwalhatian;
119 Saka ang ligalig na sandaigdigan
120 Ay mahihimbing na sa katahimikan.




        Ang  kalupi




ni Benjamin P. Pascual
Mataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalawas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa habing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school au hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano’t paano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.

“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marat at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

“Bakit no?” anito.

“E ... e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.

“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aappuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pintaka sa inyo.”

“Anong wala!” pasinghal na sa abi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.’

“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat at sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.

“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng tatoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad ... isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, anompang evidencia ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin; maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulya.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, me sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyag Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Kiyapo at kung minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayang mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”

Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata dalhin na antin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno, kung gusti n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yp sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dlang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinwakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”

Napihiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa knayng balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na mula ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umiimik si Aling Marta habng minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya kapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanyang. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwarderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin ang inyong pangalan at deriksiyon ng iyong bahay upang kung mangailangan ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng nahahayap na mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot ng gulo at kahihiyan! sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka ... saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ng Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“E ... e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saa pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gumita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?Sanggunian:
Gonzales, Bro. Andrew FSC At Bisa, Simplicio P. Sangwikaan 4: Sining ng komunikasyon para sa mataas na paaralan. Phoenix Publishing House, Inc. 1995

Jan 30, '07 3:54 AM
for everyone
ni Lope K. Santos

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."
Sanggunian:







Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalalamoakongkamustahin.Kulas:SiCelingnaman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mokaysasaakin.Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundiangasawa.(Ilalagay ang kamay sa balikat niCeling).Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin nggrasya.Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ngkaraniwangnangyayari?Kulas:Huwagmosanangungkatinangnakaraan.Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan,mgabagongsistema.Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti,Celing!Celing:Eanokungputi?Kulas:Angpilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartangpilak.Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salangmagkakuwartatayo.Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalokanganimnapiso.Kulas: Oo nga, ngunit angbatayankongayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayoaymananalo.Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ngpakangnamanok.Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan.MaiinipsiKulas).Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindinaakomagsasabong.Celing:Totoong-totoo?
Kulas:Totoo.Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhanngatingpalay.Kulas:(Kukuninang salapi)Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyankamuna.(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)Sioning:Kumustaka,Kulas?Kulas:(Nagmamadali)Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyankana.(LalabassiKulas).Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tilapupuntasasunog.Celing:Ay,Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sasabungan.Sioning:Celing,talagabang…Celing: Sandalilangha,Sioning.(Sisigawsagawingkusina).
Teban!Teban!Teban!Teban:(Masunurin ngunit maykahinaanangulo).Ano po iyon Aling Celing?
Celing:(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigaykayTebang).O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at bakamahuli!Teban:(Nagmamadaling itinulak ni Celingsalabas).Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungeranarin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupustarinako.Sioning:A…Hindikasabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalamkaninuman.Sioning: Oo, huwag kang mag-alalasaakin.Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kamingmatalo.Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruanmoyataako.Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:(May kahinaan din ang ulo).
Saanongdahilan?Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya ngapalanaman.(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawanbuhatsasabungan).Celing: sakit ang ulo kosasigawangiyan.Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ngsabungan.Sioning:(Lalonglalakasang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumarenamin.(Dudungaw)O heto na nga siTeban.Tumatakbo.(Papasok si Teban na may hawaknadalawanglilimahin).Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalotayo,AlingCeling,nanalotayo!(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatagoito.)Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalagaangatingginagawa.(Magmamadaling lalabassTeban).Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo,Celing.(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabawnaputi.Kulas:(Mainitangulo)Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagangwalaakongsuwerte!Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundisuwerte!Kulas:Talagangbuwisitangsabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumilingsabon.(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong maykalumbayan.)Castor: Hoy, Kulas kumusta na?Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alammokungsaanlumagpak?Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ngsabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.Kulas: Ano bang hindi tama?Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sakanan.)O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.Kulas:
(Balisa), Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.Castor:(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?Kulas:
(Lulundag na palapit.)Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.Sioning:(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?Sioning: Susmaryosep!Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.(Mag-aatubili si Celing).Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman aykahuli-hulihan.Celing: O buweno, heto.Kukunin ang salapi sa baul)Kulas:
(Kukunin ang salapi)Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).Celing:(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!(Papasok si Teban buhat sa kusina)Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.Teban:(Hindi maintindihan)ito ba'y itotodo ko?Sioning: Oo, todo.Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.(Lalong lalakas ang sigawan)Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay estabien, tsokolate na naman kami.Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.(Agad huhupa ang sigawan).Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.Celing: Huwag kang mag-alala…(Papasok si Teban)Teban:(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)
Mabangis na Lungsod


1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.

3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

4. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.

5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.

6. “Mama…Ale, palimos na po.”

7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.

8. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”

9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.

11. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

13. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”

14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.

15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.

16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig

17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.

18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

19. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.

22. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”

23. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.

26. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.

27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.




tata selo
ni regelio r. sikat 
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
          Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
          “Totoo ba, Tata Selo?”           
          “Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
          Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
          “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.”
          Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
          “Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
          Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
          “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”
          Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
          Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
          “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
          Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
          “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
          Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
          “Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
          “Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
          Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

          “Patay po ba?”
          Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
          “Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
          Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
          Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
          Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
          “Patay po ba? Saan po ang taga?”
          Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
          “Saan po tinamaan?”
          “Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
          “Lintik na matanda!”
          Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
          “Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
          Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
          “Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
          Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
          “Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
          “Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
          Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
          “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
          “Saan mo tinaga ang kabesa?”
          Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
          “Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
          “Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
          “Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
          Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
          “Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
          Hindi sumagot si Tata Selo.
          “Tinatanong ka,” anang hepe.
          Lumunok si Tata Selo.
          “Umuwi na po si Saling, Presidente.”
          “Kailan?”
          “Kamakalawa po ng umaga.”
          “Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
          “Tatlong buwan na po.”
          “Bakit siya umuwi?”
          Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
          “May sakit po siya?”
          Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
          “Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
          “Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
          Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
          “Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
          Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
          “Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
          Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
          “Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
          Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
          “Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
          Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
          “Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
          “Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
          May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
          Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
          Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
          Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
          “Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
          Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
          “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na.  Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”
          “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
          “Ang anak, dumating daw?”
          “Naki-mayor.”
          Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
          “Tata Selo...Tata Selo...”
          Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
          Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
          Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
          “Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
          Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
          Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...




Sinag sa karimlan

Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman na isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa maynilaat nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano. Sa tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony. Si Tony ang pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya rin sa bilibid.

Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.

Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.









Banyaga  
Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok

Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"

Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.

Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-
toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.

"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"

"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"

Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.

"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.

"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"

"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..." 


"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."

"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."

"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.

"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."

"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."

"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.


Kinagis ng balon
May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak. 
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya. 
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. 
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya. 
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw. 
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya.. 
Tandang Owenyo - siya ay isang agwador sa kanilang bayan,
namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya 
ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera 
at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang 
gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang 
pamilya.
Nana Pisyang - siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana
niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam 
nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina. 
Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng 
hapunan.
Enyang - ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang
ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng mga damit.
Narciso - nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-
aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may 
pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang 
matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya 
niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.
Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, 
masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga 
"gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil 
sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.
Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng 
panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. 
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang 
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu- 
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa 
Tibag" ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya ". 
Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon. 
Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina 
na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa 
kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na 
namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang 
ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba't paghaatid ng 
mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik 
dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.
Si Narciso o si Narsing "tawag sa kanya ng mga tao" ay nakapagtapos ng 
haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa 
kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa 
library pa ng bayan nagbabasa't humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik 
dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang 
gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde. 
Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang 
naipon sa paglalaba't pinagbilhan ng ilang upo't talagang inilalaan nila para sa 
susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang 
tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang 
makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa 
paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya 
ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit parating may nakasabit na " No Vacancy at Walang Bakante ". Hindi lamang siya ang 
nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos 
ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng 
mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng 
mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya 
ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya 
nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa 
kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang 
bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang 
sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang 
sila'y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama't ina niya sa 
kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano 
naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap 
maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng 
kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap 
buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at 
malakas at pahingal na sagot "Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging 
agwador " pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong 
kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal 
siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang 
isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama, 
sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang 
ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa 
Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya 
sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde 
at ito'y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay 
nahilo ang matanda ang iba nama'y wala raw sa isip niya ang ginagawa. 
Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawanat 
pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang 
kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at 
pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman 
ng taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang, 
maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi 
pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa 
kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid
ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador "
Binyagan si Narsing " at may nangahas na nagsaboy ng tubig


CANAL DELA REINA
    ni Liwayway A. Arceo
 Tema
Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetongSosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka” ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang angkanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sanobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita samismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitanng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ngmalaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapandahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal.Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taongwalang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan aywalang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay maykaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’tsa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyanginapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan“Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawinsayo”, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaanat imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na sila’y mga hampas lupa.Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman oganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito aywalang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas nakabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto.Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sakatiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palagingang kabutihan pa rin ang naghahari.
II. SimulaA. Mga TauhanPamilyang de los Angeles
Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya.
1. Salvador-
ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahitminsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan atmaylalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mgadesisyon ni Caridad lalo na’t kungsa tingin niya’y ito’y tama at parasa ikabubuti ng asawa.
2. Caridad
- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalona sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyangbabaengmay malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agadnagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap.
3. Leni
-panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.Espesiyalidad nito ang
 Pediatrics
at talaga namang makikita anghusay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sakatunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa
Medical  Board Exam
.
4. Junior
.- huling miyembro ngpamilya. Kasalukuyan itongkumukuha ng kursong
 Architecture
sa isang unibersidad. Angtunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya nguni

BUOD
Kabanata 1 : Panimula

            Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar na kanyang sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at maayos na istura sa maputik at madaming basura na makikita mo ngayon. Ang sariwang hangin ay napalitan na ng mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa kanyang ina sa pagtawid sa maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinwento ni Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarating sila sa kanilang lote na kinatitirikan na ng bahay at tindahan, hinanap ni Caridad si Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na siya ang may-ari ng lupang tinatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan.

Kabanata 2: Alaala

            Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng loteng kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang hawak para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito. Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit, namulatan siya at sinabing babalikan na lamang ulit siya. Pagkaalis ni Caridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik muli sa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang malaking punong kamatsile, sa gilid ng makitid at malinis na Canal de la Reina. Hindi rin niya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at tinitingnan kung kaninong bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong Kawayan. Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador. Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at muntik na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isang alalalang napakahalaga  sa kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahay nila sa Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa kanilang pamilya.  


Kabanata 3: Linta

            Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay. Kinabahan siya dahil simula ng makita niya si Cardidad ay hindi na nawala ang nerbyos sa kanya. Sa kanilang pook, siya ang may pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang mga kapitbahay kahit na ang maging tubo ay biente porsyento. Nang bumaba na sa dyip ang isang lalaking mataas ngunit kita ang malaking tiyan ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si Doro. Daladala ni Doro ang kwaderno na nagkakalaman ng listahan ng may mga utang kay Nyora Tentay. Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan sila sa husgado kung saka-sakali at naikwento ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles. Kilala pala ni Doro si Caridad, at sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay na iyon. Muling nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may hawak siyang papel, titulo ng kanilang lupa. Mayroong kilala si Doro sa registry of deeds kaya madali na ‘yon. At sinabing pagbumalik dito ang Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng Tonyang Bulutong. Siguradong maaalala ni Caridad si Doro dahil dati lamang silang magkapitbahay. At pagkaalis ni Doro, may naghihintay na babae sa labas kasama ni Asyang. Napansin ni Nyora Tentay na mukhang malaki ang pangangailangan nito. Tinanong kung kukuha ba ang babaeng tinawag ni Asyang na Nenita. May dala ang babae na telebisyon at sinabing may mahigpit siyang kompromiso at iniabot na ang pera sa babae pagkatapos ay umalis. Nang mga sandaling iyon ay hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles.

Kabanata  4: Salu – Salo

                        Kaarawan ni Leni at pawing nababakas sa kanyang mukha na ayaw nitong magdiwang ng kanyang kaarawan ngunit pinilit siya ni Caridad na magkaroon ng munting salu-salo. Sa araw ding iyon ay kasama na ni Salvador ang abogadong hahawak ng kaso sa lupa ni Caridad. Sinabi ni Caridad na kung matatayuan sana iyong lupa na iyon ng apartment, siguradong kikita sila roon. Binigyang-diin din ni Caridad na ang tao ngayon ay mapagsamantala na, mahirap na pagkatiwalaan. Tinanong tuloy ni Leni kung ang abogadong nakuha ng kanang ama ay mapagkakatiwalaan. Sinabi naman ni Caridad na abogado iyon ng kompanya ni Salvador kaya may tiwala sila doon. Si Attorney Agulto ang kanilang abogado. Dumarating na din ang mga kasamahang interno at interna ni Lenis sa ospital. Kasama na rito ang masugid na manliligaw nito na si Vic. Positibo namang sinabe ni Salvador na malakas ang laban nila sa kaso. Maaari na daw silang magharap ng petisyon sa korte at sinabi ng abogadong palsipikado ang titulong hawak ni Nyora Tentay. Ipinaalam din ni Atty. Agulto na may pinapunta na siyang tao doon para magtanung-tanong at makasagap ng unting balita tungkol sa lupa na pag-aari ni Caridad.  Dumating na din si Junior kasama ang kanyang mga kabarkada. Kasama niya sina Ben, Doddy, Dante at ang kaisa-isang babae na si Betty. Inalok ni Caridad na kumain muna sila ngunit tumanggi sila Junior. Napaisip si Caridad sa kasamang babae ni Junior at pumasok pa sila sa kwarto. Nabahala si Caridad at ayaw niyang makasama ni Junior ang pangkat na nasa silid ng kanyang anak, pati na rin ang babae. Sinabi na lang ni Junior na mananaog sila kapag gutom na sila.


Kabanata 5: Makabago
            Tila hindi mawari ni Caridad kung ganoon na nga ba ang henerasyon ngayon at kung ganoon na rin ba ang mga babae ngayon. Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila ngunit patuloy pa rin ang pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang makaalis na ang mga bisita ni Junior ay hindi na nakatiis ang kanyang ina at Ate Leni sa pagtatanong tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi ni Caridad na baka mabuntis ni Junior ang kasama nilang babae. Nagalit din si Caridad dahil hindi man lang marunong gumalang ang kanyang mga kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang tinutukoy ay ang girlfriend ng kanyang kabarkada at hindi din niya type ang ganung klaseng babae. Patuloy pa nito na kanyang pinagmamalaki sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na ang generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka maisipan pa nitong gumawa ng di kanaisnais.
Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema dahil iniwan siya ni Duardo. Nalaman kasi nito na ginagamit lamang siya ni Maring upang makakuha ng pera para sa pagsusugal. Ang natira lamang kay Maring ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo sa kanya. Nasabi na rin niya na hindi na siya mangungupahan dahil gusto niyang ilayo sa lugar na iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na ang kanyang relos upang pang bayad sa kanyang utang na upa ng bahay. Habang nag-uusap si Maring at Nyora Tentay, mayroong kotse na pumarada sa harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng tindahan dahil siya’y hinahanap ng agrimensor na nagtatrabaho para sa gobyerno. Naparoon sila upang magsukat ng lupa at naghahanap ng mga muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at kinabahan si Nyora Tentay at naalala niya si Caridad Reynante Delos Angeles nang maitanong sa kanya kung ilan tao na siyang nangungupahan sa lupang iyon.
Kabanata 6: Pakikipagtunggali
            Naglabas si Nyora Tenta ng isang malaking bote ng wiski, isang malaking boteng panghalo ng inumin, isang malaking sisidlan ng yealo na hugis-bariles at sinamahan pa ng isang malaking lata ng sitsarong baboy laman ngunit hindi agad nahimok ni Nyora Tentay ang mga ito at binalutan pa niya ito ng tig-isang sigarilyong blue seal. Tinanong ni Nyora Tentay kung bakit kinakailangang ngayon sukatin ang lupa at ang sagot ng mga ito ay dahil masyadong malalaki ang lupain na nasasakop ng Canal De La Reina na dahilan ng pagkawala ng tubig roon at ang pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang mga bisita na pinabitbitan pa ng pagkain kang Ingga. Lumabas si Nyora Tentay sa tindahan at natanaw si Lucing at nagalit ditto dahil hindi na binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na sa akala ni Lucing ay isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang inaakalang mabuting kalooban sa pagtulong sa kaniyang anak ay isa palang utang na napatungan na ng mataas na tubo.
            Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang pasyente ng ipatawag siya sa Emergency Room ng charity ward. Isang babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim na ang nakalapat na mga mata at namamarak ang namumutlang mga pinsgi. Pilit niyang isinasalba ang babae ngunit hindi na matanggap ng katawan nito ang iniksyon at hindi na rin masalinan pa ng dugo. Kanyang pinirmahan ang papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito sa Canal de la Reina.
Kabanata 7: Daigdig ng Pagdarahop
        Si Leni ay baguhan pa lamang sa larangang iyon kung kaya’t hindi pa siya sanay makakita ng mga taong nababawian ng buhay. Kanyang nagunita nang nabanggit ng kanyang ina na siya’y maging isang General Practitioner noong hindi pa siya nagdodoktor ngunit nirespeto pa rin ni Caridad ang kagustuhan ni Leni. Sa kalagayan ni Paz Cruz nakita niya kung gaano kahirap ang buhay dahil may mga taong hindi makapagpagamot dahil sa kawalan ng pera.
            Nabalitaan na nga ni Nyora Tentay na namatay na si Paz na ang tawag ng mga taga roon ay Pacing. Kanyang naisip na kikita nanaman siya dahil doon. Maraming makikiramay sa pamilya nito kahit na wala ang katawan roon ni Pacing ngunit mapapansing hindi sila naparoon upang dalawin ang bangkay nito at paniguradong sa kanya sila bibili ng mga maiialok sa mga nakikiramay. Pinuntahan ni Nyora Tentay si Dado na asawa ni Pacing at nakiramay sa kanya ngunit hindi pa rin nakalimitan ni Nyora Tentay ang mga utang ni Dado sa kanya.
Kabanata 8: Pagkapit sa Patalim
            Patuloy pa rin ang pagiyak ni Dado dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang asawa at sa bagong silang nitong anak. Pumayag si Dado sa nais ni Nyora Tentay sa dagdag nitong interes sa ibabayad niya. Sinisisi ni Dado ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil napabayaan niya ito at hindi naitakbo agad sa ospital nang may tumawag sa kanya. Ito pala ay si Gracia na asawa dati ni Victor na anak naman ni Nyora Tentay. Kanyang nabalitaan na pumanaw na nga ang asawa ni Dado kung kaya’t ito’y nakiramay sa kanya. Naalala pa ni Dado na ang damit na pinausot niya kay Pacing ay ang damit na matagal nang nabigay ni Gracia sa kanya.
            Sinabi naman ni Atty. Agulto na hindi basta-bastang kalaban si Nyora Tentay. Pinalabas na binenta ito ni Caridad kay Osyong at pumirma gamit ang tatak ng kanyang kanang hinlalaki at sinabing may malubha siya karamdaman kaya hindi ito nakapirma. Habang sila’y naguusap ay tumunog ang telepono na kanya namang agad na nasagot. Siya’y nagulat sa kanyang narinig na ang tumawag sa kanya ay si Ingga na katulong ni Nyora Tentay.
Kabanata 9: INISASYON 1
            Humihingi si Ingga ng tulong kay Caridad dahil gusto na nitong tumakas sa kalupitan ni Nyora Tentay. Ngunit, sa kasamaang palad ay naabutan ni Nyora Tentay itong gumagamit ng telepono at pinagbantaang baon ito sa utang at hindi makakaalis sa kanyang bahay.
Dumalaw si Junior sa Canal dela Reina at hindi siya nagpaalam sa kaniyang mga magulang na gagabihin siya sa araw na iyon. May isang bata ang lumapit sa kaniya, si Bindoy dahil napansin nito na sinusundan siya ni Junior. Kinakabahan naman si Junior dahil hindi niya alam kung saan sila pupunta. Akala ni Bindoy ay naghahanap ng yosi si Junior ngunit ang laman nito ay droga. Siya’y dinala ni bindoy sa isang lugar kung saan ay maraming taong mga nakatayo at inabutan siya ng isang serbesa at sinubo sa kanya ang isang kapsula at biglang nag-iba ang kaniyang pakiramdam. Patuloy ang paghingi ng tulong ni Junior sa Panginoon dahil hindi niya na makayanan ang kaniyang nararamdaman. Ang gusto lamang niya ay ang makalayo.

Kabanata 10:  INISASYON 2
            Namamanhid na halos ng buong katawan ni Junior ngunit pinipilit pa rin niyang makapaglakad palayo sa lugar na iyon.
            Sobrang nag-aalala na sina Caridad at Salvador dahil hindi pa nakakauwi si Junior at dis oras na ng gabi. Alam nilang tumatawag naman ito kung siya ay gagabihin. Nakausap ni Caridad si Dodi at sinabing ligtas siya at nasa bahay nila si Junior ngunit inakala nila Caridad at Salvador na lasing ito. Patuloy ang paghingi ng patawad ni Junior sa kaniyang nagawa. Nasabi ng ama ni Dodi na siya ay nakainom ng isang droga at ang nagpasama pa rito ay sinamahan pa ito ng serbesa.  Kaagad silang bumili ng gamot para bumuti ang pakiramdam ni Junior. Sinabi ni Caridad na ang lupa ang susi ng lahat. Dahil konektado ang nangyari kay Junior sa lupa o kaya’y kapakanan ito ni Nyora Tentay at pag nabawi nila ang lupa, lahat ay mapasasaayos.
Kabanata 11: Pagkamulat
Masakit pa rin ang ulo ni junior ngunit pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa tulog. Sinabi ng kanyang Ate Leni na uminom siya ng maraming tubig upang mahimasmasan siya. Pinilit niyang binubuhay sa kanyang isip ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at tinananong niya ang kanyang ina kung may napansin siyang aso sa bahay nila Nyora Tentay. Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong iyon. Itim ang kulay at parang lenteng malalaki ang mga mata. Si Nyora Tentay daw mismo ang nagpapaligo at nagpapakain dahil walang makalapit sa aso at baka din daw lasunin ng mga taong may galit sa kanya. Naging malinaw sa isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora Tentay. Isang lalaki ang umalalay sa kanya patungo sa taxi na naghatid sa kanya sa tahanan nila. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik doon. Sinabi rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya. Masasabing guwardiyado ang lugar na iyon.
Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang ekslusibong kolehiyong panlalaki na pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang naging kamag-aral na mayaman at mayroon ding nasa panggitnang antas ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng demostrasyon ang mga kabataan at estudyante sa harap ng kongreso upang ipakita sa pangulo ang damdamin ng bayan. Tumulong sila sa paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa sasakyan ng pangulo at gumawa rin sila ng isang malaking paper-mache na buwaya na kinabitan ng pangalang Marcos.  Maraming nasaktan. Walang patawad ang mga pulis.  Binawian ng buhay si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis. Inilipat si Junior nang eskwelahan. Marami ang nag-iba sa kanyang buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangarin mag-aral ng batas at nagbago rin ang kanyang mga kasama.
Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa teresa. Hindi natapos ni Vic ang kanyang kinakain dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya umalis na ang binata.
Kabanata 12: Banta ng Sigwa
Tumawag ni Nyora Tentay kila Caridad at si Inyang ang nakasagot. Gusto nito makausap si Caridad ngunit hindi siya kinausap nito at nagbilin na tatawag ulit tungkol sa usaping lupa. Nagbigay ng lagay si Salvador sa sheriff dahil parang naging routine na iyon. Nagulat si Caridad noong sinabi ni Salvador iyon dahil ngayon lamang ginawa ni Salvador ang magbigay ng lagay. Kaya nga hindi nagtagal si Salvador sa trabaho niya sa gobyerno dahil ayaw na ayaw niya sa mga suhulan.
Tinanong ni Caridad kung magkano at bakit kailangang magpalagay at sinabi naman ni Salvador na maliit lang ang binigay niya  at bahala na raw si Attorney. Mabuti nga raw na nauna sila kay Nyora Tentay na maglagay dahil baka lalong maapektuhan ang kanilang apila tungkol sa lupa. Galit na galit si Nyora Tentay dahil nagpapasok ng taong hindi nila kilala si Ingga. Nabalisa si Nyora Tentay sa sinabi ng kanyang anak na kailangana niyang humarap sa piskalya.
Naghahanap si Nyora Tentay ng isang magaling na abogado at naisip ni Victor ang kanyang biyenan ngunit umayaw si Nyora Tentay at pinagpipilitan ang kongressman niyang kaibigan na abogado rin. Ngunit ayaw iyon ni Victor dahil maaari silang matalo sa kaso dahil iyon ay kabilang sa gobyerno at maaring mabahiran ng politika.
Kabanata 13: Unang Senyal
Si Attorney Peña ang kinasundo ni Nyora Tentay na humawak ng kanyang kaso na noong una ay bantulot ito sa pagtanggap sa kaso pero noong binigyan na siya ng sobre agad-agad siyang nagbago ng isip at tinanggap ito. Pinag-usapan nila ang mangyayari sa unang hearing. Agad nadama ni Nyora Tentay na siya ay hindi maipagtatanggol ni Attorney Peña kaya nanghinayang siya  sa pera na ibinigay dito
.Noong araw ng unang hearing. Buo ang mag-anak ni Caridad na nagtungo sa piskalya. Unang isinalang si Caridad at sinimulan siyang tanungin ng abogado ni Nyora Tentay ukol sa lupa. Sinabi ni Caridad na galing pa sa kanyang ninuno ang lupang iyon. Nagkasagutan ang dalawang kampo at ipinapatawag ulit sila para sa pangalawang hearing dahil sa pagwawala ni Nyora Tentay.
Tinawag ni Leni ang kanyang ina at sinabi na may naghahanap sa kanya na ang pangalan ay Gracia Montes.
Kabanata14:  Ikalawang Senyal
Lumabas sina Caridad at Leni sa bulwagan upang kausapin si Gracia Montes. Pinabayaan na nila si Atty. Agulto na makipagtalo dahil alam na nito ang pasya ni Caridad na hindi sila tatanggap ng anumang uri ng pakikipag-ayos maliban kung ibabalik sa kanila ang lupa. Nang makita na nila si Gracia sa kanyang Volkswagen, linapitan nila ito at sinabi sa kanila na sa telepono na lamang sila mag-usap. Iniabot ni Gracia ang isang tarhetang may nakalagay na numero ng kanyang telepono, at sa ilalim ng kanyang pangalan ay ang maliliit na titik na Piano teacher at Plaridel Village. Ibinigay naman ni Caridad ang numero ng kanyang telepono kay Gracia. Tatawagan daw ni Gracia si Caridad pag dating nito sa kanyang bahay. Pagbalik nila sa piskalya ay tapos na ang hearing. Binalitaan na lamang sila na pinapaghaharap ang panig nila Nyora Tentay ng sagot sa loob ng 10 araw. Ayon kay Atty. Agulto, maganda ang tinatakbo ng kanilang kaso, at nahanap na rin niya kung saan naroroon si Tisya. Inihatid na nilang mag-anak si Leni sa pagamutan dahil 2 araw nalang ay magsisimula na ang pag-kuha ni Leni ng board exams, ang una sa isang buwang pagsusulit, tuwing araw ng Linggo.
Sa bahay ni Geronimo M. Marcial nakatira si Gracia. Si Geronimo ay ang anak ni Gracia at Victor. Siya ay isang practitioner na doktor ng pediatrics. Sa sandaling iyon ay nasa kanyang sariling silid si Gracia, nasa harapan niya ang telepono at kinakabahan na tinawagan si Caridad. Kinuwento niya kay Caridad ang kanyang buhay nang nakalipas na dalawampu’t pitong taon. Dati siyang manugang ni Nyora Tentay at asawa ni Victor. Alam niyang pinagtatawanan ni Nyora Tentay ang kanyang propesyon, kung kaya’t noon pa man ay naramdaman niyang hindi sila maaaring magkasundo, maliban na lamang kung magsasarili sila ni Victor na ayaw naman nito. Inamin niyang minahal niya dati si Victor, ngunit ngayo’y wala na siyang paggalang sa kanya at hindi na niya ito mahal. Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya sa kanya dahil sa kanilang anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang mamulatan ang kanyang anak sa ugali nila Victor at Nyora Tentay kaya tuluyan niyang hiniwalayan si Victor. Ikinwento rin niya na naroon pa siya nang bilhin nila Nyora Tentay ang lupa sa Canal dela Reina. Marami raw milagro sa bilihang iyon, kaya handa raw siyang tumestigo kung kailangan nila ang tulong niya. Pagkatapos ng kanilang paguusap, dumating ang anak ni Gracia sa kanilang tahanan.
Kabanata 15: Unos
Ikinwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad sa kanilang bahay sa Makati, at binanggit rin niya ang anak na babae ni Caridad. Parang ipinapares niya ito kay Geronimo, ngunit hindi alam ng kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang masaktan dahil alam niyang magkakahiwalay lamang sila ng magiging kahati niya sa buhay pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari sa kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia sa kanyang anak ang tungkol sa lupain nila Caridad, at kung paano siya handang tumestigo kung kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang mapasama pa si Gracia roon kahit sa anong paraan. Ang totoo’y ayaw na niyang maugnay sa kahit na anong paraan ang kanyang ina kay Victor. Ayaw na nga niya itong makita. Noon nga’y nung kasusulit ni Geronimo sa pagka-manggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna. Nailathala sa pahayagan ang kanyang larawan, kaya’t malamang ay nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang pagamutan. Nagpakilala siya, ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami ng mga narinig niya sa kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang ama, hindi siya nakadama ng pananabik sa kanilang pagkikita. May tinangkang iabot si Victor sa kanya galing sa bulsa nito, ngunit itinigas ni Geronimo ang kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa kanya. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang mahinang tinig ni Victor. Ito ang gunitang naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia ang usapin sa lupa.
Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari sa husgado. Nagmura si Nyora Tentay nang masukol sa pagtatanong ni Atty. Agulto. Dahil dito’y na-contempt siya. Kaya daw galit na gait si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi niya kasama si Geronimo. Nang marinig ni Leni ang pangalan ni Geronimo, naalala niya ang mga naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni Caridad ang mag-ina sa isang hapunan sa kanilang bahay. Nahuli sila sa pagdating dahil may biglang dumating na pasyente si Gerry. Nang pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil magkapangalan sila ng ama ni Vic, kundi malimit na kinukwento nito ang nasisirang oras ng usapan bunga ng mga kaabalahan sa pagamutan. Hindi mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon. Pangalawa, nagtungo si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may sinamahan siyang batang pasyente na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw ni Geronimo ang pasyente niyon at pinuntahan siya sa kanyang department. Pang-apat, kasama si Geronimo nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan. Sa mga pagkakataong iyon, nagugunita niya si Vic. Isa sa malimit na masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo, ngunit ayaw ni Vic na pagusapan siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na iyon.
Noong panahon na iyon ay napakalakas ng ulan at signal number two na ang bagyo, ngunit babalik pa rin si Leni sa ospital. Napagusapan nila ang Canal dela Reina dahil lulubog nanaman daw ang lugar na iyon. Kalahati na ng ilog ang nawawala at tuwing uulan nang malakas ay bumabaha roon. Napagusapan rin nila ang tungkol sa kaso. Lamang daw sila at nailabas na rin daw si Tisya.
Kabanata 16: Baha
Napakalakas na nang ulan. Lubog na sa Maynila, kaya nag-alala ng husto si Caridad para kay Leni dahil madaling lumubog sa pook ng pagamutan. Nagbukas sila ng radyo at narinig nila sa balita na ang pagamutan ng lungsod ay binaha na ng husto. Sinimulan nang ilikas ang mga pasyenteng nasa unang palapag ng gusali dahil naabot na ito ng tubig. Hindi na makapasok ang ambulansya sa loob ng pagamutan. Nag-alala pa lalo si Caridada para kay Leni. Ayon rin sa balita, nagsisimulang magpakita ng palatandaan na maaaring sumabog ang isang malaking dike sa Pampanga. Dahil dito, maaaring lumubog ang buong lalawigan, at madamay pati ang mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Bataan, Tarlac, at maaaring ang buong Gitnang Luzon. Naisip ni Caridad ang kanilang palayan sa Bulacan, at lalo na kung ano na ang nangyayari sa kanyang Ate Anita. Bigla na lamang nawalan ng kuryente.
Samantala, pumasok na ang tubig sa bahay ni Nyora Tentay. Sila lamang ni Ingga ang nasa bahay dahil bihira nang umuwi si Victor mula nang kumalat sa kanilang pook ang balita ng usapin niya na iniharap ni Caridad. Lumapit noon si Victor kay Gracia, ngunit hindi man lamang siya hinarap nito. Dahil dito’y pinagalitan siya ni Nyora Tentay dahil ayaw niyang lumalapit ito kay Gracia. Mula noon ay hindi na ito nag-uuwi, at natuklasan ni Nyora Tentay na may inuupahang apartment si Victor. Ibang-iba na si Victor. Hindi na ito ang dating palasang-ayon sa lahat ng sinasabi ni Nyora Tentay. Natuto na itong sumagot sa kanya. Ngayon ay kailangan niya si Victor dahil bumabaha na sa kanilang bahay. Bigla na lamang may mga taong kumatok sa kanyang pinto at nagsisigaw, nagmamakaawang patuluyin sila dahil baha na sa kanilang bahay, at siya lamang ang may mataas na bahay sa Canal dela Reina. Pinagkaitan niya sila. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bayong na naglalaman ng mga alahas, pera, pilak at mahahalagang papeles kasama na ang titulo ng kanyang lupa. Tinawag niya ang pangalan ng panginoon upang humingi ng tulong dahil natatakot siya sa mga taong kumakatok sa kanyang pinto. Matagal na rin niyang hindi natatawag ang pangalan ng panginoon. Winasak na ng mga tao ang pintuan ng kanyang bahay upang makapasok sila, kaya wala na siyang nagawa. Naramdaman niyang nawalan na lamang siya bigla ng lakas at siya’y tuluyan ng natangay ng rumaragasang tubig.

Kabanata 17: Ama at Anak
Nang siya ay magkamalay hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang paligid. Tila hindi niya mamukhaan kung nasaan siya. Bigla niyang nagunita ang kanyang mga suot na brilyantes pati ang mga papel na pera sa kanyang bulsa ay wala na rin. Siya’y tumili ng maramdaman niyang may sumakit sa kanyang ulo at nasalat niyang mayroon siyang sugat na nakuha niya sa pagkakatangay ng malakas na agos ng tubig. Hinahanap niya ang utusan niyan na si Ingga ngunit wala. May lumapit sa kanya na dalaga na gustong tumulong sa kanya ngunit tumatangi siya at patuloy na hinanap si Ingga. Tinanong si Nyora Tentay kung mayroon man lamang siyang kamaganak at sinabi niya na may anak siya na ang pangalan ay Victor.
Sa tahanan ng mga Caridad ay nawalan na ng tuluyan ang kuryente ngunit hindi naman naputol ang linya nang kanilang  telepono. Hindi pa umuuwi si Leni dahil sa trabaho niya,marami ang nangailangan ng tulong dahil sa bagyo. Nagkaroon pa ng pagtatalo  si Junior at ang kanyang magulang. Una dahil gusto tumulong ni Junior sa mga "rescue operations" at ayaw pumayag ng kanyang magulang dahil alam nilang delikado.  Pangalawa pinagaway nila ang gobyerno, sabi ni junior na wala naman daw natutulong ang gobyerno kapag walang pera na kasama. Ang henerasyon daw ng kanyang magulang ay walang ginagawa masyado sila mahinhin na hindi sila nagrerebelde.  Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.
Kabanata 18: Pagkikilala
Pagkatapos ng matinding pagsasagutan ng mag-ama ay napag-isipan ni Salvador na may punto din naman ang kanyang anak si Junior kaya pinagbigyan niya si Junior na pumunta sa rescue operation basta lamang ay mahanap niya ang utusan ni Nyora Tentay.  Mabilis siyang umalis ng bahay kasama si Dodi, ang kanyang kaibigan.  Bago sila nakarating sa mismong rescue operation napadaan sila sa ospital na pinapasukan ni Leni at kinamusta siya ni Junior. Pagkatapos ay napunta na siya sa rescue center na Sampaguita Health Center. Sa awa ng Diyos ay nakita niya agad ang katulong ni Nyora Tentay na si Ingga. Siya ay tuwang tuwa dahil may pag-asa na dumating sa kaniya. Itinanong niya kung siya ba ang anak ni Caridad at bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Tinanong niya kay Junior kung maari ba siyang sumama rito at sinabi naman ni Junior na magintay lamang ito ng kaunting oras dahil sila’y tutulong sa mga nasugatan sa center.
Kabanata 19: Langit at Lupa
            Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Caridad nang makita niya si Ingga na kasama ni Junior. Tuwang-tuwa naman si Ingga nang makarating siya sa bahay ni Caridad. Para siyang nakawala sa isang napakasikip at madilim na lugar. Ipinakita naman ni Ingga ang isang bayong na puno ng mga brilyantes na mga alahas, mga salaping papel at ang titulo ng lupa sa Canal de la Reina. Nagulat sila Caridad sa nakita nila. Umamin si Ingga na hindi niya iyon napulot kung hindi ay inagaw niya it okay Nyora Tentay upang maging kabayaran sa mga ginawa nito sa kanya. Nagaalala sila Caridad at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin dahil hindi pa sila nakakasigurado kung buhay pa o patay na si Nyora Tentay.

Kabanata 20: Sagandaan

            Dumating na si Salvador sa kanilang bahay na putikan at halatang pagod na pagod. Masaya siya dahil walang nasaktan sa kanilang opisina. Si Junior naman ay bumisita sa Ate Leni niya na tumulong din sa mga naging biktima ng baha. Ipinakita ni Caridad kay Salvador ang laman ng bayong at nagulat rin ito sa kanyang mga nakita. Ayaw nang ibalik ni Ingga ang bayong dahil gusto niya maghinganti kay Nyora Tentay. Kinumbinse naman ni Salvador at Caridad na ibalik  ang bayong dahil masamang maghiganti lalo na kung walang katiyakan kung nasaan na si Nyora Tentay.

Si Nyora Tentay naman ay walang bukang bibig kung hindi ang bayong na nawalay sa kanya. Dumating si Victor upang hanapin ang kanyang ina. Natagpuan niya iyon sa Lakandula rescue center. Nanibago siya sa itsura nito at ng nilapitan niya ay hindi siya pinansin nito dahil sa pagiging abala mahanap ang kanyang bayong. Ang tanging sinasabi nito ay ang pagkawala ng kanyang bayong. Dumating ang mga manggagamot at sinabi na kailangan siya dalhin sa mas pribadong ospital upang matutukan ang kanyang kundisyon ngunit wala silang mahanap kung hindi ang Mental Hospital. Dumating na ang mga taga-medical team at mga relief workers at sinamahan sila papuntang Mental Hospital. Doon niya nakita ang kanyang anak na si Geronimo papunta sa isang emergency room kasama ang mga medical team dahil may babaeng manganganak. Nang dumaan sila sa harap nito ay hindi pinansin ni Geronimo ang kanyang ama.

Kabanata 21: Maliit ang Daigdig

            Nakapagpanganak ng maayos ang nasabing babae. Magkahalong tuwa’t saya ang nararamdaman ng babae dahil hindi man lamang naabutan ng kanyang asawa ang kanilang anak dahil ito ay namatay dahil sa mabilis na ragasa ng baha. Inaasahan na ni Gerry na kasama sa mga nasalanta ang kanyang lola na si Nyora Tentay. Nagtama ang kanilang mata kung kaya’t wala na siyang nagawa kung hindi lapitan ito. Ayon sa kanya ay mukhang nagkaroon lamang ito ng nervous breakdown. Nang may biglang lumapit kay Gerry na humihingi ng tulong dahil malubha na ang lagay ng kanyang anak. Agad na tinawag ni Gerry si Leni upang tumulong sa pagsalba ng bata at kinailangan na itong itakbo sa ospital upang malaatan ng lunas. Habang nasa biyahe sila papunta sa ospital ay naikwento ni Gerry na nakita niya doon ang kanyang ama at ang kanyang lola na talagang ikinakahiya niya. Ipinakita naman ni Leni na wala iyon sa kanya dahil andun sila upang tumulong ng mga taong may karamdaman. Umiyak ng malakas ang kargang bata ng inang humihingi ng tulong sa kanila kung kaya’t naputol ang kanilang usapan at nagmamadali ng malapatan ng lunas ang bata.

 Kabanata 22: Pasiya
                 
                  Umuwi muna si Gerry mula sa ospital para tignan ang mga pasyente sa kanyang klinika. Napagusapan nila ni Leni ang kahalagahan ng kanilang trabaho lalung-lalo na dahil hindi sila binayaran sa kanilang serbisyo. Naisip tuloy ni Leni na maging General Practitioner kesa sa magespesyalista sa larangan ng Pediatrics.  Simula ng dumating sa buhay ni Gerry si Leni ay gumaan ang loob nito at nabubuo ang espesyal na pagtingin kay Leni. Sinabi ni Geronimo ang nangyari kay Nyora Tentay at sinabi ni Gracia na isa iyong aral kay Nyora Tentay upang malaman niya na hindi kanya ang mundo. Patuloy pa rin ang pagkumbinse ni Caridad at Salvador kay Ingga na isauli ang bayong. Sabi ni Ingga na ayaw niyang isauli ang bayong dahil ayaw na niyang Makita pa ulit si Nyora Tentay dahil araw na niya bumalik doon. Nagboluntaryo naman si Junior na siya na lamang ang magaabot ng bayong sa pamilya ni Nyora Tentay dahil siguradong hindi siya pagiisipan ng masama nito dahil isa siya sa mga volunteers. Kanya na lamang daw papalabasin na napulot niya ito kung saan man.

Kabanta 23: Nilikha Ukol sa Iba
            Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora Tentay ang bayong nito. Ngunit mas gusto parin ni Ingga na huwag na itong isauli pa kay Nyora Tentay dahil gusto niya talagang makaganti rito ngunit sinabi sa kanya ni Caridad na para na rin siyang nakaganti kay Nyora Tentay sa kung ano mang nangyari sa matanda. Iniayos na ni Caridad ang mga gamit na nasa loob ng bayong. Kanilang pinatuyo ang mga basing perang papel pati na rin ang mga mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot bago ilagay sa paper bag. Nang paalis na si Junior at si Salvador nasabi bigla ni Junior na siya ay natatakot at sinabi naman ni Salvador na normal lamang iyon dahil alam niya kung ano talaga ang laman ng bayong.
            Nang makaalis sila Salvador at Junior ay may taong dumating at nagpakilalang siya ay si Tisya. Inilahad ni Tisya ang totoong nangyari sa pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa sa Canal de la Reina. Kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta ang lupa para mawala na ang utang nito kay Nyora Tentay. Hindi napigilan ni Ingga na hindi sumabat sa pinaguuapan nila dahil alam na alam ni Ingga ang ganung sistema na ginagawa ni Nyora Tentay sa lahat ng tao na may utang sa kanya.
            Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang namumutla sa bawat araw na lumilipas kakahanap niya sa kanyang nawawalang bayong. Walang magawa ang mga nurse sa ospital kung hindi ay turukan nang pampatulog si Nyora Tentay dahil hindi nila ito mapakalma at hindi rin ito makatulog. Dumating naman si Junior kung nasaan si Nyora Tentay at siya ay hinarap ni Victor.
Kabanata 24: Sumbat
            Ipinakita ni Junior ang laman ng paper bag na dala niya. Nakita ni Victor na ito ang bayong na matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay. Tuwang-tuwa si Victor na naibalik na ang bayong ng kanyang ina na maaring makapagpagaling sa matanda. Inabutan ni Victor si Junior ng anim na lilimampung salaping papel ngunit ito’y tinanggihan ni Junior. Siya’y paalis na at naalalang kunin ni Victor ang pangalan ng taong nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya ay si Salvador de los Angeles Jr. Dahil sa ginawa ni Junior ay napaisip si Victor na naturuan sila ng leksyon dahil doon. Sa kabila ng pagkakagalit ng kanilang pamilya dahil sa lupa ay nagmagandang loob pa rin ang mga De los Angeles sa kanila.
            Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita niyang hindi niya tinanggap ang binibigay nitong salapi na katumbas sa kabutihang loob na ginawa niya. Kasama niya doon si Leni at si Gerry na apo ni Nyora Tentay.  At nakibalita si Leni kay Junior tungkol sa kanilang mga magulang. Ayaw na ayaw ni Leni na nagtatanim ng galit si Gerry sa kanyang lola at ama. Sila’y nagusap at mukhang nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipagusap sa kanyang ama ngunit pinipigil siya ng kanyang loob na maaring hindi pa ito matanggap ng kanyang ina.
Kabanata 25: Saan sa Kahapon?
            Iniabot ni Junior sa kanyang ina ang isang kapirasong papel na nilagdaan ni Victor bilang patunay na atanggap na nila ang bayong. Ilang beses inuulit ni Caridad na mas gugustuhin niyang gumaling si Nyora Tentay dahil mas magiging kaparusahan sa kanya kung kung titino ang kanyang isip at malalaman nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid lalo na ang pagbawi ng mga De Los Angeles sa kanilang lupa. Sa kabilang banda naman ay ipinakita ni Victor sa doktor ng kayang ina na nasakanila na uli ang bayong ngunit hindi na ito maalala pa ni Nyora Tentay.
            May klinik noon si Gerry ng biglang bumisita ang kanyang ina upang ayain ito na kumain sa labas. Hindi inaasahan ni Gerry na dadating ang kanyang ama upang humigi ng tulong.
Kabanata 26: Masikip sa Tatlo ang Mundo
            Hindi malaman ni Gerry kung anong gagawin dahil nasa klinika rin niya ang kayang ina. Humingi ng tulong si Victor kay Gerry kung mayroon ba ito mairerekomendang doktor para sa kanyang lola dahil alam ni Victor na mas madaming kilalang eksperto si Gerry at maaari pa nila itong bigyan ng presyong kaibigan. Nagrekomenda naman ng doktor si Gerry bilang tulong at nabanggit ng kanyang ama na kung puwede ba niyo tiong maimbitahin kumain ng hapunan kasama ang kanyang ina nang biglang lumabas si Gracia sa resting room ni Gerry sa klinika at biglang nagkatitigan ang dalawa at hindi inaasahan ni Victor na makikita niya ulit si Gracia sa unang pagkakataon mula ng sila ay maghiwalay at tumuloy na nga si Victor.
            Naghapunan na sa labas ang mag-ina at napagusapan ni Gerry na mukhang humihingi na ng tawad ang kanyang ama rito ngunit hinayaan lang ito ng kanyang ina. Napagusapan din ni Gerry ang pagpapahiwatig niya sa kanyang ina na gusto nang pakasalan ni Gerry si Leni.
Kabanata 27: Sa Pintuan
Kumain sa labas ang mag-ina. Talagang tinanggal na ni Gracia sa buhay niya si Victor  dahil sa mga nagawa ni Nyora Tentay at Victor sa kaniya. Sinabi rin ni Geronimo na iniimbita sila ni Victor mananghalian o maghapunan ngunit ang sagot ni Gracia ay hindi pa rin nagbabago si Victor dahil hindi pa rin siya makatayo sa sarili niyang mga paa. Noong binanggit ni Gracia si Leni sa kanilang pag-uuspan nakita ni Gracia ang kaligayahang nakaguhit sa mukha ng kanyang anak.
Tintanong ni Doktor Jalandoni si Nyora Tentay na kung ang bayong daw ba ay sa kanya at sinagot ng malakas ni Nyora Tentay sa kanya iyon ngunit hindi lang niya maalala kaya ang ginawa ay pinatulog siya nito ng ilang sandali para maalala niya ang mga nakalimutan niya noong nakaraan na bagyo. Pagising ni Nyora Tentay ay naalala nga niya na nagkaroon nga ng bagyo ngunit yun lamang ang naalala niya at pumikit muli siya at hinayaan na ni Victor at ng doktor. Inuwi ni Victor si Nyora Tentay sa bahay. May konting pagababago na sa kalagayan niya. Nakakapag-salita na siya. Dahil bilin ni Doktor Jalandoni na palagi dapat siyang kakausapin ukol sa bayong niya upang matulun9gan siyang makrecover. Pagkatapos ay nakipagkita na si Victor sa kaniyang anak na si Gernomio, una sa Gernoimo ang ang gusto magbayad sa kahera pero pumilit si Victor na siya na lamang ngunit hindi pa din pumayag si Geronimo kaya pinabayaan na lamang ni Victor. Nasaktan si Victor. Pumunta si Victor sa tahanan ni Gracia ngunit hindi kaagd siya pinatuloy doon.
Kabanata 28: Pagsuko
Inakala ni Gracia na ang kanyang ama ang kanyang bisita, ngunit si Victor pala ito. Noon pa daw sana bibisita si Victor pagkatapos nilang magkita sa klinika ni Gerry. Pinatuloy ni Gracia si Victor sa bahay dahil ibig niyang Makita nito ang layaw na tinatamasa ni Geronimo nang wala si Victor at hindi tinutulungan nito. Hiniling ni Victor na makasama si Gracia sa kanila ni Gerry kung kumakain sila sa labas. Ikinwento rin niya na malinaw na ang isip ni Nyora Tentay dahil sa doctor na inirekomenda ni Gerry. Sinabi rin niya na hindi na nila ilalaban ang kaso. Bahala na daw ang abogado at ang husgado. Sinabi na rin ni Victor ang tunay na pakay niya kay Gracia at ito ay ang pag-usapan ang plano nila Leni at Geronimo, ngunit ang sinabi lamang ni Gracia ay magagawa nila ang kanilang gusto nang hindi na kailangan ang permiso ng mga magulang. Ibig niyang ipamukha kay Victor ang mga ginawa ni Nyora Tentay na pumagitan sa kanila hanggang tuluyang mawasak ang kanilang pagsasama. Nang aalis na si Victor, nag kamay sila at nang mag dikit ang kanilang mga palad ay gumapang sa kanyang kabuuan ang damdamin mula sa mga daliri nito.
Hindi matanggap ni Victor na ibalik si Nyora tentay sa dati nilang tirahan sa Canal de la Reina, kahit iyon ang payo ng doktor. Muli niyang dinalaw ang pook na sinalanta ng baha. Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Delang, ang asawa ni Doro. Ibinalita niya na namatay na si Doro. Maraming kwentang hawak si Doro, at nang matapos ang baha, hindi niya naisipang hanapin ang mga taong alam niyang may utang kay Nyora Tentay.
            Ibinalita rin niya na bawal nang magpatayo ng bahay sa Canal de la Reina, kung hindi’y paaalisin ng gobyerno. Ibinalita rin niya na namatay na rin si Dado, ang asawa ni Pacing. Nakasalubong rin niya si Justo, ang laging ipinatatawag ni Nyora Tentay tuwing may ipapaayos sa bahay. Alam niyang lagi nitong tinutukso si Tisya. Tinanong nito kay Victor kung may balita na kay Tisya na matagal nang nawawala. Maraming tao ang namatay dahil sa baha. Pati nga si King Kong ay nawawala pa rin, ngunit sapat na kay Victor ang walang nag-uusisa tungkol kay Nyora Tentay, gayong alam niyang pinaguusapan ng buong pook ang wari’y pagkabaliw nito. Sa sandaling iyon, natiyak ni Victor na iiwan na nila ang Canal de la Reina, sa gusto o ayaw ni Nyora Tentay.
Kabanata 29: Papalapit na Wakas

Bumalik si Victor  sa  kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita nito kay Nyora Tentay na ang kanyang tirahan sa Canal Dela Reina ay tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo.

Nagising si  Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi niya ito sa pagkawala
ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na gusto na niyang magsarili at magkaroon ng sariling bahay. Ngunit alam na nilang panalo na sila Caridad kaht na hindi pa nadedesisyunan ng korte kung sino ang panalo o hindi. Binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso ngunit nagpumilit pa rin si Nyora Tentay hanggang malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa Canal Dela Reina ay orihinal na pagmamayari ni Caridad.

Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang pagpasa ni Leni sa board
exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil mamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama ang kanyang ama, si Vic.

Kabanata 30: Dito Babangon
            Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong pusong paring tatanggapin sa tahanan nila Caridad at Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa ng board at sa pagiging opisyal na doktora. Habang naguusap sila sa may sala at naanigan ni Vic si Ingga sa salamin at tinawag niya ito na nagbigay takot naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay Vic na si Ingga talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay. Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam sa kanyang ina na ang nakakuha ng bayong nito ay si Ingga ngunit ayaw na ni Ingga na bumalik pa ulit kila Nyora Tentay at ito’y luluwas na ng probinsya sa araw din na iyon.
            Sinabi na ni Gerry na magpapakasala na sila ni Leni ngunit parang kinakabahan pa siya sa mga mangyayari . Ipinaalam din ni Gerry ang mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang pagpapatayo ng ospital sa loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang ospital na ito ay para lamang sa mga taong walang panggastos upang ipagamot ang kanilang mga anak.
            Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso ni Gracia sa dati niyang asawa na si Victor.
            Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naiisip na itong konsepto o plano sa balak na ospital ng kanyang kapatid dahil alam ni Caridad na gusto talaga ni Junior ang Architecture. Naisip ni Junior na ang magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Ito’y kanyang naisip dahil kinakailangan nila ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang lupang iyon hindi lamang bilang isang lupang sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago.
Tagpuan:
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumugaran ng mga iskuwater. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon din ng matinding relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nandirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang kabuuan ng nobela.




Mabangis na Lungsod


1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.

3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

4. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.

5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.

6. “Mama…Ale, palimos na po.”

7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.

8. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”

9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.

11. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

13. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”

14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.

15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.

16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
19. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
22. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”
23. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.
24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.
26. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.
27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.


Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa
At sa halip ng magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin
At huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
“Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin!
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa inyo, bunsong ginigiliw.

“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento